

PUP's Most Famous
Places
PUP Places
By Michael Angelo Horfilla

Ang pugad ng mga atleta. Dito rin matatagpuan ang faculty ng Human Kinetics.

Nakapasok ka na ba rito? Puwes, abangan mo ang pagbubukas niya! May mga pagkakataong binubuksan ang tahanan ng mismong bayani sa madla.

Huwag ka! Olympic-sized ang pool ng ating pamantasan!

Ang pugad ng mga atleta. Dito rin matatagpuan ang faculty ng Human Kinetics.
Bayani Agbayani, Ted Failon, Love Anover at Papa Jack... ilan lamang yan sa mga sikat na personalidad na ipinagmamalaki ng Polytechnic University of the Philippines. Mapa- broadcasting man o kung anumang larangan, tiyak may mga PUPian na kilala pagdating d'yan. Ngunit hindi lamang ang mga sikat na personalidad na ito ang makakapagpatunay na dapat talagang ipagmalaki ang PUP. Dahil kahit sa loob pa lamang ng paaralan, ang sarili nitong pagkakakilanlan ay iyo nang matatagpuan.
PYLON. Ito ang kumakatawan sa PUP. Ito ay tatlong magkakahanay na mala-pader na istruktura na kung saan ay nakatatak ang tatlong letra na P, U at P. Mula sa Romblon, matatagpuan ito sa bukana ng paaralan. Kung ang UP ay may oblation, ang PUP ay may Pylon!
FERRY at PNR Stations. Oo, 12 pesos per unit lamang ang tuition ng mga mag-aaral dito, pero PUP lamang ang natatanging paaralan na may Ferry Station sa loob nito. At hindi lamang yan, paglabas mo ay agad na sasalubong sa’yo ang maingay na tunog mula sa paparating na tren. Sosyal, di'ba?
MINI-INTRAMUROS. Ito ang pinakabagong itinayo sa lahat ng mga istruktura at gusali ng pamantasan. Hinango ang disenyo nito sa Intramuros na siyang pangunahing atraksyon ngayon sa paaralan. Makikita sa loob nito ang lagoon at ilang mga upuan na kung saan ay maaari kang mamahinga. Sa pagkakataong ito, hindi ka lang sosyal, mare-relax ka pa!
Ilan lamang ito sa mga maaaring matagpuan sa loob ng PUP. Nariyan pa ang Linear Park, Mabini Shrine, chapel at kung ano-ano pa. Patunay na mayroon pang ibang mga bgay na maipagmamalaki ang sintang paaralan. Ito ang totoong TATAK PUP! ###