

PUP's Most Famous
Cover Story
I'm Sorry, My Love
The Story Behind the Apology
By Michael Angelo Horfilla
May kasabihan nga, “ When you’re SORRY, MEAN it.”
Ito ang pinatunayan ng isang 3rd Year accountancy student ng Polytechnic Unversity of the Philippines na si Kelly, matapos niyang gawin na isang malaking love letter ang North Wing ng gusali maipahayag lamang ang kanyang paghingi ng tawad para sa kanyang kasintahan na si Mickey. Ngunit ano ngaba ang puno’t dulo ng lahat ng ito?
Ika-22 ng Setyembre taong 2011 mula nang maging magkasintahan sina Kelly Boy at Mickey. Naging masaya ang kanilang pagsasama ngunit nagsimulang masira ang lahat ng ito matapos ipakilala ni Mickey ang kanyang matalik na kaibigan kay Kelly Boy. Palihim na kinuha ni Kelly Boy ang cellphone number ng kaibigan ng kasintahan upang diumano ay maipakilala ito sa isa niya ring kaibigan. Ngunit talagang naging mapanukso ang tadhana kay Kelly. ‘Di inaasahang umalis ang kanyang kaibigan at sa halip ay siya na lamang ang nakipagtext sa matalik na kaibigan ni Mickey. Lumipas ang maraming araw at tuluyang nahulog ang loob niya rito. Ngunit hindi natiis ng kanyang konsensya ang kasalanang kanyang ginawa kung kaya’t ipinagtapat niya ito kay Mickey. Sa kasamaang palad, nagdulot ito ng kanilang paghihiwalay. At dito na nagsimula ang lahat.
Naging usap-usapan sa iba’t ibang social networking sites ang kanilang kwento. Kumalat ang larawan ng higanteng love letter ni Kelly sa facebook at twitter hanggang sa maipalabas ito sa isang programa sa telebisyon, ang “Kapuso Mo, Jessica Soho”. At mula rito ay naisip ni Kelly na gumawa ulit ng isang bagay na kung saan ay mas lalaki ang pag-asa na patawarin siya ng pinakamamahal na kasintahan. Kinausap niya ang isang grupo ng mga mananayaw sa kanilang paaralan upang handugan ng isang sayaw si Mickey. Naging isa rin sa kanyang mga plano na humingi ng tawad ng personal kay Mickey. Hanggang sa dumating ang takdang araw para rito. Nagmistulang isang pelikula na tumatabo sa takilya ang pangyayaring ito. Humingi ng tawad si Kelly Boy kay Mickey sa freedom park ng paaralan habang may dalang bulaklak at mga tsokolate.
Naging maganda ang takbo ng lahat.Nangyari ang kanyang ninanais. Napatawad na siya ni Mickey. Ngunit hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa mga ganitong paraan. May kasabihan nga, “Forgiving doesn’t mean that the pain is gone.” Para kay Mickey, higit na ang nagawa ni Kelly para sa kanya ngunit hindi ganoon kadaling limutin ang lahat. Kung kaya’t lagi nating isaisip na mas mainam na hindi gumawa ng kasalanan kaysa gumawa ng kung anu-anong bagay para lamang makahingi ng kapatawaran. Dahil minsan, ang pagkakasalang ito ang maaaring magdulot ng isang pangyayaring hindi mo nanaising maranasan. Ito ay ang mawala sa’yo ang taong matagal mong minahal at pinakaingatan. ###

"Mickey, I'm very sorry!!! For all the things that I've done. Please forgive me! I love you!!! Give me another chance - Kelly Boi"
(Source: google.com)

Litrato ni Kelly Boi hango sa eksena ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
(Source: google.com)

Ang panibagong "gimik" ni Kelly Boi upang siya'y mapatawad ng kasintahang si Mickey.
(Source: google.com)